Ako Si Genaro R. Gojo Cruz

‘Wag na ‘Wag Kang Mapapagod na Mahalin Ako

9 mga puna

Gabi na at alam kong pagod ka
sa maghapong pagtatrabaho.
At ako, ngayon pa lang nagsisimula
ang buhay ko sa pagdating mo.
Nagawa kong kumpunihin ang lahat—
ang di na umiikot na electric fan,
ang di umiinit na plantsa, ang antena
sa bubungang mahinang makasagap
ng estasyon, maging ang baradong lababo
na inireklamo mo kaninang umaga.
Bukas, ayos na uli ang lahat para sa iyo.
Malalim na ang gabi ngunit gising
ang diwa ko sa kaiisip sa iyo.
Naisip mo kaya ako kahit sansaglit lang?
Habang naghihintay ka ng tawag sa telepono,
habang kumakain kasama ang mga katrabaho,
o habang tinitimpi ang galit sa isang kostumer
na di tumatanggap ng paliwanag.
Alam kong nabaliktad ang mundo sa atin.
Pasensiya ka na mahal ko,
itong-ito lang talaga ako.
Itong-ito lang ang kaya ko sa ngayon.
Akong naiiwan sa bahay
at ikaw ang naghahanapbuhay.
‘Wag na ‘Wag kang magsasawa
at mapapagod, alam kong di ito
ang buhay na inaasahan mo.
Inutil ako dahil sa maraming kamalasan.
Pakiusap ko, ‘wag na ‘wag
kang magsasawang mahalin ako
lalo ngayong tila kay layo mo—
di ko na alam ang laman ng iyong isip,
kung kasama pa ako sa iyong mga plano.
Pakiusap ko, ‘wag na ‘wag
kang mapapagod na mahalin ako
lalo na ngayong kahit ako’y nawawalan
na rin ng respeto sa sarili ko.

Genaro R. Gojo Cruz

 

Advertisements

May-akda: Genaro Gojo Cruz

guro, manunulat at mangingibig

9 thoughts on “‘Wag na ‘Wag Kang Mapapagod na Mahalin Ako

  1. Nasa PNU pa lang tayo binabasa ko na mga gawa mo, lalo po kayong humuhusay! Salamat sa pagbuo ng araw ko!

  2. Maramdamin ngunit mataimtim. Ang galing.

    Goodluck sa patimpalak Gen.

  3. Magaling… napaisip ako kung baldado ba ang lalaki sa tula nato.. goodluck..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s